Written by Arlene Esdrelon Murillo
May 6, 2020
Mandaue City, Cebu
Humanista ako !
Yan ang palagi mong sinasambit ng buong tapang at taas-noo mo pa itong ipinagsasabi sa lahat ng iyong mga kakilala. Na wari bang isang karangalan sa iyo ang mapabilang sa kanilang pangkat .
Ngunit paano mo nga ba mapanindigan ang iyong pagiging HUMANISTA sa panahon ngayun ng NCOV na gusto mo tumulong. Alam mo kaya ang ang bigat ng responsibilidad ng pagiging Humanista.
Kagaya ngayon, nasa kalagitaan tayo ng krisis, ni hindi natin alam kung kailan matapos tapos ang labanan na ito.
Nasaan ka na ba ngayon bilang Humanista, ano ba ang naiambag mo upang mapigilan ang pagkalat sa mapaminsalang sakit na ito? Ngayon natin mapapatunayan kung gaano ba kasidhi ang pagiging HUMANISTA mo. Lumulundag sa tuwa ang aking puso ng makita kitang nakikisabay sa daloy ng mga taong nagpasimuno sa mga kalakaran upang makalikom ng salapi, nang may maipambili ka ng mga kagamitan na kailangang kailangan sa ating mga FRONTLINERS. Dahil dama mo ang hirap at pangangailangan nila. Nagdurugo ang puso ko ng may galak nang makita kitang walang takot na nagbibigay ng mga donasyon sa mga modernong bayani natin sa mga Ospital kung saan doon inaasikaso ang mga nagkakasakit ng COVID 19.
Nasaksihan ko rin ang pagiging busilak ng iyong puso nang ikaw ay napagmasdan ko kung paano mo hinihikayat ang iyong mga kaibigan upang makalikom ng mga Relief Goods para sa mga taong binansagan sa ating lipunan na PINAKAMAHIRAP SA MGA MAHIHIRAP.
Napaluha ka pa nga sa saya ng nakita mong sobra sobra pa ang naitulong mo sa kanila.
Kaya para sa iyo kaibigan kung HUMANISTA, buong pagmamalaki kung sasabihin sa iyo na saludo ako sa iyong sakripisyo.
Hindi ka man isa sa mga nakahandang magbuwis -buhay na mga FRONTLINERS.
Bayani ka pa rin sa aking paningin.