GMA 7 News TV Program Feature – REEL TIME, Ang Lihim ng Pamilya
GMA 7 NEWS TV Reel Time poster for “Ang Lihim ng Pamilya” (The Family Secret) Aired September 27, 2019 at GMA News TV Channel 11
This is the place for the lost and the hurting, where a chance to heal is given. Support us at hapihumanist.org

The Family Secret
(Ang Lihim ng Pamilya)

GMA 7 News Program
REEL TIME

Aired September 27, 2019

Featuring the Humanist Alliance Philippines International

hapihumanist.org

Copyright by GMA7 News and Public Affairs

For educational purposes only.

#ViolenceAgainstWomenAndChildren
#VAWC
#VAWSI
#HAPIkami
#HAPI
#WeAreHumanists
#Human1st
#OneLifeToLive

Thank you to Ms Shao Masula and Mr RJ Magno of GMA7 Reel Time

Thank you also to Mudrakelles

❤❤❤

 

 

Cooperation and unity is what makes us all HAPI, we are #HAPIkami
the gifts you have given, are the life source of the Children that are hurting

 

THE WHOLE BROADCAST IN PARTS

DESCRIPTION

Reel Time Presents Ang Lihim ng Pamilya

Ang bawat isang tao, may kani-kaniyang lihim. Pero may isang lihim na pinagsasaluhan ng isang buong pamilya – ang #incest rape.

Rape ang pangunahing uri ng sexual abuse sa Pilipinas. Ayon sa Center for Women’s Resources (CWR),isang babae o bata ang nagagahasa kada oras, batay na rin sa police records. Sinusundan ang rape ng incest, na tinatayang nasa 37% ng bilang ng sexual abuse cases.

Mula 2011 hanggang 2016, nasa 2,770 incest victims mula sa kabuuang 7,418 biktima ng sexual abuse ang naitala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Nasa 400-500 kaso ng incest rape umano ito kada taon.

Sa tala ng DSWD, 99% ng mga biktima ng incest rape ay batang babae edad 14-17, pero may mga naitalang kaso na edad 5 taon pababa.

Pero ang mismong DSWD, aminadong hindi ito ang eksaktong bilang. Napakarami pa umanong kaso na hindi naire-report sa otoridad. Karaniwan nang binabantaan ang biktima na papatayin ang mga mahal niya sa buhay kapag nagsumbong siya. Kadalasan ding itinatago ang maitim na lihim sa loob ng pamilya dahil sa kahihiyan at stigma na bumabalot sa incest.

Sa kaso ni “Kaye”, 13 anyos, patay na ang ama nang magkalakas siya ng loob na aminin sa ina ang pang-aabusong ginawa sa kaniya. Nagbunga ang panggagahasa ng isang sanggol.

Si “Anna” naman, 36 anyos, siyam na taong gulang lang diumano nang magsimula ang pangmomolestiya sa kaniya ng sarili ring ama. Ayon kay “Anna”, alam ng kaniyang ina ang ginagawa sa kaniya ngunit hindi raw nito kinumpronta ang kaniyang ama dahil sa takot na hiwalayan siya nito. Sa edad na 13, natuloy na sa panggagahasa ang dating panghihipo lang ng ama kay “Anna”. Hanggang ngayon, binabangungot umano si “Anna” dahil sa pangyayari. Nananatili kasing nakalaya ang ama na hindi niya magawang isumbong sa kinauukulan dahil sa takot.

Anu-ano nga ba ang lagim na dulot ng pang-aabusong ito? Maaari pa bang makabangon ang isang biktima ng incest rape? Tunghayan sa Reel Time Presents Ang Lihim ng Pamilya ngayong Biyernes, Setyembre 27, 7:15 ng gabi sa GMA News TV.

 

Reel Time: Dalagita na 13-anyos, pauli-ulit na ginahasa ng ama

Reel Time: Mga batang ginahasa ng sariling pamilya, paano makababangon?

Reel Time: Bilang ng kaso ng incest rape sa Pilipinas, patuloy na tumataas!

BEHIND THE SCENES

About the Author

HAPI Contributor
Scroll to Top