Light Equipment
Isang hamon mula sa isang naniniwala sa Diyos

May humamon sa akin tungkol sa Diyos. Binigyan nya ako ng permiso na i-share ang usapan namin, sa kondisyon na hindi ko sasabihin ang pangalan nya. Eto ang hamon nya.

Pinaliwanag nya sa akin na kahit anong paliwanag mo sa isang bulag, hindi nya maiintindihan at malalamang may liwanag, kaya hindi maniniwala ang bulag na mayroong liwanag. Sinabi nya na parang ganoon ang mga hindi naniniwala – kahit anong paliwanag mo sa kanila, hindi nila maiintindihan na may Diyos dahil, tulad ng bulag, wala silang kakayahang malaman ito.

Subalit, katwiran nya, hindi ibig sabihin na bulag ka ay walang liwanag, at katulad ng bulag, hindi ibig sabihin na hindi natin makita na may Diyos, ay wala nang Diyos.

Samakatuwid:

  1. Hindi na nya kailangang patunayan na may Diyos.
  2. Mayroong Diyos kahit hindi siya makita ng mga hindi naniniwala.

Heto ang sagot ko sa kanya.

Sa una, binanggit ko na mayroong taong dapat nakakakita na hindi bulag para magpaliwanag ng liwanag sa bulag na tao. Pero nasagot nya ito at sinabing siya ang taong nakakakita ng Diyos na nagpapaliwanag sa bulag na non-believer. Tinawag nya ang sarili nya na “objective observer“.

So nagbago ako ng approach.

Sinabi ko sa kanya na sa aking balikat ay may dwendeng nakaupo na hindi nya nakikita subalit nakikita ko. Sinabi ko rin na hindi ko kayang mapatunayan sa kanya ito dahil para lang akong magpapaliwanag ng liwanag sa bulag. Nabanggit ko rin yata na ako ang “objective observer” ng dwende.

Ibig sabihin, ginamit ko ang logic ng kanyang argumento na patunay nya sa Diyos para patunayang mayroong dwende sa aking balikat.

Kailangan sya ngayong mamili:

  1. Tanggapin nya na totoo nga na may dwende sa aking balikat kahit hindi nya nakikita.
  2. Tanggapin nya na ang logic ng kanyang argumento ay hindi sapat para patunayang may Diyos.

Hindi nya pinili ang kahit isa sa dalawang iyon. Ang ginawa nya ay kinatwiran nyang hindi totoong may dwende sa balikat ko sa dahilang hindi ako naniniwala sa dwende tulad ng pagpaniwala nya na may Diyos.

May problema ako sa sagot na ito:
Hindi naman kasama ang paniniwala sa orihinal nyang katwiran.

Kaya tinanong ko sya:
Ang isang bagay ba ay magkakatotoo basta naniwala ka dito?

Sabi nya ay oo.
Dahil ang Holy Spirit ang nagpapatunay dito.

May problema ako ulit sa sagot nya.
Kase hindi pa nya napapatunayang may Diyos, tapos nagdagdag sya ng Holy Spirit na hindi rin nya napapatunayan pa.

Ang kanyang intensyon ay gamitin ang Holy Spirit, na hindi pa nya napapatunayan, para patunayan ang Diyos na hindi pa nya napapatunayan:

Claim about Holy Spirit = 0 truth value
Claim about God = 0 truth value
0+0 =/=1

Dito na sana natapos ang usapan namin, pero sinwerte ako at may nakausap akong Light Technician na myembro ng Atheist Experience community. Tinanong ko sa kanya kung paano mapapatunayan sa isang bulag na may liwanag.

Ang sagot nya ay:
Ang liwanag ay hindi lamang nakikita kundi nararamdaman din. Isa sa katangian ng liwanag ay init (heat). Pwede kang mag-experiment gamit ang isang light equiment na may sapat na Hertz at makitid na cone, at ituro mo ito sa isang parte ng kwarto. Iinit ang tatamaan ng liwanag at pwede itong gawing guide ng bulag para markahan ang mga bahagi ng kwarto na tinatamaan ng liwanag.

Nakausap ko rin ang isang Atheist na is Eric Ozols tungkol dito at may itinuro rin syang isa pang problema sa argumento: Sinabi nya na gumagamit ang kausap ko ng tinatawag nyang “Existence Borrowing” kung saan humihiram ng katangian ng “existence” mula sa isang bagay na tunay (liwanag), at ipapasa ito sa isang bagay na hindi hindi pa napatunayan (Diyos) para sabihing nag-eexist din ito.

Para mo na ring sinabi na:
“Ang diyos ay parang relo ko, at dahil totoong may relo ako, totoo ring may Diyos.”

Author:
Dennis Pulido
Dennis Pulido

HAPI-IC California

HAPI Art Director

About the Author

HAPI Contributor
Scroll to Top